^

Police Metro

Kapag may 2 nagpositibo sa COVID-19 kalsada agad ipapasara — MMC

Danilo Garcia - Pang-masa
Kapag may 2 nagpositibo sa COVID-19 kalsada agad ipapasara � MMC
A resident carries a water container ahead of a lockdown in the neighbourhood in Manila on March 10, 2021, as the number of new daily cases has soared past 3,000 in recent days mostly in Metro Manila area.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Agad na ipapasara ang isang kalsada sa oras na may dalawang katao ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Pa­rañaque City Mayor ­Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC) na magiging sobrang higpit umano ng ipatutupad na ‘granular lockdown’ ng pamahalaan simula ngayong Setyembre 16 .

Ipatutupad ang mga lockdowns sa mga kabahayan, gusali, kalsada, at subdibisyon na kakikitaan ng biglaang pagtaas ng mga kaso na tatagal ang  lockdown ng hanggang 14 na araw.

“Katulad po sa isang floor ng isang condominium… basta magkaroon lang po ng isa pong case doon, ‘yong mismong isang floor na ‘yon ay puwede na po nating i-lock down po ‘yan,” paliwanag ni Olivarez.

“Isang bahay, puwede po nating i-lock down basta magkaroon lang po ng isang case po sa isang bahay. Kapag po sa kalsada, sa isang sitio po, mag-2 lang po ng case doon ay puwede na po nating magkaroon ng lockdown po d’yan para po ma-implement din,” dagdag niya.

Habang naka-lockdown tinitiyak naman nila na magsasagawa ng ‘mass testing, contact-tracing at isolation’ sa mga apektadong residente.

Kung tatamaan ng lockdown ang isang lugar, hindi na magbibigay ang pamahalaan ng perang ayuda ngunit pagkain na lamang upang hindi na lumabas ng kanilang bahay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with