^

Pang Movies

Mga nagkakalat ng fake news sa anak nina Luis at Jessy, biglang tiklop!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga nagkakalat ng fake news sa anak nina Luis at Jessy, biglang tiklop!
Baby Rosie

Ano kaya ngayon ang drama ng mga marites, ngayong inilabas na ni Jessy Mendiola sa kanyang social media account ang picture ni Baby Rosie? Ano ang sasabihin ngayon ng mga nagkakalat noon na may depekto ang mukha ng bata kaya hindi mailalabas. Ngayong lumabas nang napakagandang bata pala, ‘di tameme sila.

Ang totoo, hindi naman talaga dapat na inilalabas agad ng picture ng isang batang kapapanganak pa lamang, dahil makakasama sa kanyang mga mata lalo na kung ang gagamiting camera o kahit na cell phone lang ay may flash. Ikalawa, hindi mo pa naman makikita kung ano ang talagang hitsura ng isang bata kung bagong panganak.

Isa pa, mga kung sinu-sino lang namang nagpapakilalang influencer ang mga nagmamadali dahil kailangan nila ng audience sa kanilang content.

Ang mga iyan ay kung anu-ano ang sinasabi kahit na hindi totoo, magkaroon lamang ng kontro­bersiyal na content, kung hindi, papaano sila kikita?

Kung minsan naman nagbabasa lang sila ng lumabas na sa diyaryo, inaangkin nila ang kuwento na akala mo sa kanila.

Matapos na mag-celebrate na ang bata ng one month, inilabas na nila ang picture ng kanilang baby. Sila ang naglabas, sila ang magulang eh, at sila ang may karapatan.

Natandaan namin noong araw, nanganak ang isang female star.

Nakabantay ang isang photographer sa nursery para makunan iyon ng picture. Dumating ang lolo ng baby, pero ang itinuro sa kanya maling bata.

Ipinagmamalaki pa nila na nakunan nila ng litrato, cover ng isang fan magazine, hanggang sa may isang babaing nagsabi na ang nasa cover ng magazine ay anak niya, hindi ang anak ng artista. Hahaha. Nakakahiya.

Pulis sa Darna, naintriga!

Ang sinasabi nilang isang naging depekto ng Darna ay noong palitan nila ang kuwento. Si Darna ang nakapulot mismo ng bato mula sa isang bulalakaw na galing sa kung saan, iyon ang kuwento ni Mars Ravelo. Ngayon ang kuwento nila, matanda na si Darna at hindi na makalipad nang mataas, kaya ang bato ay ipinamana niya sa kanyang anak.

Sa kuwento pa, si Darna (Jane de Leon) ay crush ng isang pulis, na ginampanan ni Joshua Garcia. Pero mukhang role iyon ng isang tangang pulis, dahil kaibigan din niya si Narda. Nagpapalit lang ng costume hindi na niya nakilala. 

Kailangan sa pulis, matinding kumilala ng tao para madali niyang mamukhaan ang isang criminal. Sa Darna, hindi na nga siya gaanong makalipad nang mataas, malabo pa ang mata ng may crush sa kanyang pulis.

Iyan ang sinasabi nilang mga depekto ng Darna.

Basta para sa amin pag sinabi mong Darna, ang nasa isip ng mga fans si Vilma Santos, ang aktres na gumawa ng pinaka maraming pelikulang Darna. Second choice nila ang sexy pa noong si Angel Locsin.

Gay manager, ‘nagbebenta’ ng alaga sa resort

Dala raw ang isang van, kasama ng isang manager na bading na walang sumikat na talent ang kanyang mga alagang lalaki sa kung saang resort. Doon mamimili ang kanyang mga gay friend kung sino sa boys ang gusto nila for the night. Iyong mga hindi mage-get, mag-iinuman kasama ang manager na walang alagang sumikat, at siyempre sa manager na ang bagsak nila, o kaya “maglalaro nang sila-sila na lang.”

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with