^

PM Sports

Fiberxers buhay pa!

Russell Cadayona - Pang-masa
Fiberxers buhay pa!
Nagpasikat si Tyrus Hill ng Converge nang mag-dunk ito sa harapan ng NLEX players.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nasa krusyal na bahagi na ng elimination round at hindi na dapat matalo ang Converge.

Humataw si Dave Murrell ng 21 points para tulu­ngan ang FiberXers sa 112-108 paggiba sa NLEX Road Warriors at palakasin ang pag-asa sa quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-ambag si Tyrus Hill ng 18 markers at may 15, 11 at 10 points sina Taylor Browne, Justin Arana at Maverick Ahanmisi, ayon sa pagkakasunod.

“This is the last stretch of the eliminations and at this point regardless of our stan­dings, we’re still in control of our destiny,” wika ni coach Jeffrey Cariaso sa Converge na pinutol ang dalawang sunod na kamalasan para sa 3-5 baraha.

Kumamada naman si Kris Rosales ng 29 points kasama ang pitong triples para sa ikalawang dikit na kabiguan ng NLEX na nahulog sa 4-4 marka.

Nagdagdag si Kevin Alas ng 23 markers, 8 rebounds at 7 assists habang may 18, 15 at 12 points sina Don Trollano, Justin Chua at Calvin Oftana, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 23-23 pagkakatabla ay kumawala ang FiberXers sa second quarter para itayo ang 43-21 kalamangan bago nakadikit ang Road Warriors sa third period, 76-77.

Isang 21-6 atake ang inilunsad ng Converge sa final canto sa likod nina Murrell, Taylor, Browne at Arana para ilista ang 16-point lead, 98-82, sa huling 5:02 minuto nito.

Hindi na nakabangon ang NLEX nang maiwanan sa 97-110 sa nalalabing 1:24 minuto.

 

 

vuukle comment

CONVERGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with