^

PM Sports

SSC-R puntirya ang semis spot

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng San Sebastian College-Recoletos ang buong puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa Final Four ng  NCAA Season 97 wo­men’s volleyball tournament sa pagpapatuloy ng aksyon ngayong araw sa Paco Arena sa Maynila.

Subalit daraan muna ang Lady Stags sa butas ng karayom dahil kailangan nitong masawata ang Lyceum of the Philippines University sa kanilang salpukan sa alas-2:30 ng hapon.

Bago ang Lady Stags-Lady Pirates games, masisilayan mula ang engkuwentro ng San Beda University at Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali.

Hawak ng San Sebastian ang ikatlong posisyon taglay ang 5-2 baraha sa ilalim ng nangungunang College of Saint Benilde (8-0) at defending champion Arellano University (7-1).

Nauna nang nakapasok sa Final Four ang Lady Bla­zers at Lady Chiefs.

At kung mananalo ang Lady Stags laban sa Lady Pirates, awtomatiko itong papasok sa semis dahilan para maiwan sa mga nalalabing teams ang bakbakan para sa hu­ling silya sa Final Four.

Kaya naman inaasahang ibubuhos na ng San Sebastian ang buong puwersa nito para masiguro ang pag-entra sa next round.

Magkasalo sa ikalimang puwesto ang Lyceum at Jose Rizal hawak ang parehong 3-4 marka.

 

vuukle comment

SEBASTIAN COLLEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with