^

PM Sports

2 Gilas 3x3 teams pinataob ang Jordan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wagi ang Gilas Pilipinas men’s at women’s 3x3 teams kontra sa Jordan sa unang araw ng 2022 FIBA 3x3 Asia Cup sa Singapore.

Unang umangat ang men’s team sa pangunguna ni Joseph Eriobu na nagbuslo ng game-winner para sa 21-19 panalo kontra Jordan sa Qualifying Draw C kahit may 1:22 pa sa orasan.

Sa kabuuan ay naglista ng anim na markers si E­riobu habang may game-high na 11 puntos si Almond Vosotros.

Para sa women’s team, tig-pitong markers ang kinamada nina Afril Bernardino at Khate Castillo habang may lima at dalawang puntos sina Katrina Guytingco at Camille Clarin, ayon sa pagkakasunod, sa higanteng 21-9 panalo nila kontra sa Jordan sa Qualifying Draw B.

Sunod na makakaharap ng Gilas men’s ang Indonesia as of press time kagabi pati na ang women’s kontra sa Southeast Asian Games gold medalist na Thailand.

Kailangan pang magwagi uli ng dalawang koponan upang makaabante sa main draw dahil ang No. 1 team lang na kada qualifying group ang makakapasok sa 12-team Asia Cup tournament proper.

Hangad ng Gilas na ma­kaganti sa Asia Cup matapos matanggal sa trono ng SEAG sa Hanoi, Vietnam.

Nagkasya lang sa bronze ang men’s habang ikaapat lang ang women’s.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with