^

PM Sports

4 teams unahan sa panalo sa D-League

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaatikabong bakba­kan agad ang masisilayan ng mga fans sa paghaharap ng Wangs Basketball @26-Letran at Adalem Construction-St. Clare sa simula ng 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Kampeon sa ligang sinasalihan, maglalaban ang Knights at ang Saints sa alas-10:30 ng umaga.

Matapos ang dalawang taon, muling magkakaroon ng aksyon sa basketball court ang nasabing liga.

Ayaw naman mag-kumpiyansa si Bonnie Tan, head coach ng Wangs-Letran, kampeon ang kanyaang mga bataan sa NCAA.

“Medyo kulang pa ang preparations namin. We just resumed practicing this week, so mate-test talaga yung tibay ng mga bata,” saad ni Tan na sasandalan ang tikas nina Fran Yu, Brent Paraiso at Ira Bataller.

Hindi naman sigurado kung makakalaro si NCAA MVP Rhenz Abando sa kanyang koponan dahil kasalukuyang nasa Gilas Pilipinas ito at naghahanda para sa 2022 FIBA  Asia Cup sa Indonesia.

Para kay Adalem-St. Clare mentor Jinino Manansala, lahat ng walong teams na kasali ay dadaan sa butas ng karayom bago masilo ang inaasam na titulo.

Nangibabaw ang 5-time champions  Saints sa NAASCU, muli silang huhugot ng lakas kina MVP Johnsherick Estrada, John Rojas at Senegalese center Babacar Ndong.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with