^

PM Sports

Arellano pasok sa Final Four

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napasuko ng reigning champion Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, 25-21, 25-18, 26-24, upang masungkit ang kanilang tiket sa Final Four ng NCAA Season 97 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Hataw si Nicole Sasuman ng 13 puntos mula sa 11 attacks, isang block at isang ace para buhatin ang Lady Chiefs sa ikapitong sunod na panalo.

Nakatulong nito sina Charmina Dino at Loraine Pecana na may tig-siyam na puntos para sa Lady Chiefs.

Lumakas pa ang kapit ng Arellano sa ikalawang puwesto bitbit ang 7-1 marka sa ilalim ng nangu­ngunang season host College of  Saint Benilde na may malinis na 7-0 kartada.

Nahinto ang two-game winning streak ng Lady Generals para mahulog sa 2-6 marka.

Sa unang laro, kinaila­ngan ng San Sebastian College-Recoletos ng ma­tinding puwersa para ilusot ang 25-21, 23-25, 30-32, 25-23, 15-13 sa San Beda University.

Umangat ang Lady Stags sa 5-2 rekord para palakasin ang tsansa nito sa Final Four.

Muling nanguna para sa San Sebastian si Katherine Santos na umiskor ng 24 puntos galing sa 22 attacks at dalawang aces habang nagdagdag si Christina Marasigan ng 13 hits.

Nakagawa pa si Kristine Dionisio ng 11 markers samantalang may triple-double na 10 points, 19 receptions at 12 digs naman si Reyann Canete.

Solido ang floor defense ni libero Jewelle Bermilo na naglista ng impresibong 45 digs kasama pa ang 13 receptions.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with