^

PM Sports

NLEX handang maghintay kay Kiefer

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay wala pang desisyon si star guard Kiefer Ravena kung tatanggapin ang offer ng NLEX o muling babalik sa Shiga Lakestars sa Japan B.League.

Inalok ng Road Warriors si Ravena ng isang season para muling maglaro sa PBA matapos siyang payagan ni coach Yeng Guiao na sumalang sa B.League.

“After we made the offer, nagkaroon ng stalemate. Wala pang desisyon ngayon si Kiefer,” wika ni Guiao sa dating kamador ng A­teneo Blue Eagles sa UAAP. “Actually,  hinihintay namin siya. Malaking bagay, malaking tulong siya kung makakalaro siya sa amin (NLEX).”

Sa kabila nito ay patuloy ang pakikipag-ensayo ni Ravena sa mga Road Warriors.

Magtatapos ang 2022 PBA Philippine Cup sa Setyembre habang didribol ang B.League season sa Oktubre.

“Alam naman ng lahat na pinayagan siya na maglaro sa Japan (B.League) although he had an existing contract with our team,” ani Guiao.

“Siyempre, hindi kami humadlang doon sa oppor­tunity of a lifetime na iyon lalo na alam natin na pa­ngarap niya makapaglaro overseas,” dagdag nito.

Samantala, magpapatuloy ang bakbakan sa Philippine Cup bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng Barangay Ginebra (5-1) ang Terrafirma (0-6) sa alas-6 ng gabi matapos ang laro ng Meralco (3-3) at Rain or Shine (1-5) sa alas-3 ng hapon. 

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with