^

PM Sports

Gilas umulit sa India

Russell Cadayona - Pang-masa
Gilas umulit sa India
Nakawala si Rhenz Abando ng Gilas Pilipinas para sa kanyang layup laban sa India.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Ibinaling ng Gilas Pilipinas ang kanilang galit sa India matapos hatawin ang 79-63 panalo sa third window ng FIBA Basketball World Cup Asia qualifiers kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Bumalikwas ang Nationals mula sa naunang 60-106 pagyukod sa New Zealand noong Huwebes sa Auckland.

Kumolekta si Dwight Ramos ng 21 points, 5 rebounds at 2 assists at may 12, 11 at 9 markers sina Kiefer Ravena, Will Navarro at Carl Tamayo, ayon sa pagkakasunod.

“I guess it’s something what we’ve like to be known for, which is being resilient,” wika ni Ravena. “The future starts now. Pro­bably 13 months away from the World Cup.”

Itinaas ng Gilas Pilipinas ni coach Nenad Vucinic ang kanilang kartada sa 2-2 sa Group A habang may 4-0 record ang New Zealand at 0-4 marka ang India.

Tinangay ng Nationals ang 26-point lead, 47-21, sa halftime patungo sa 64-41 pagbaon sa mga Indians sa huling 2:09 minuto ng third period.

Ngunit binanderahan ni Sahaij Pratap Singh Sekhon ang pagbabalik ng India para makadikit sa 61-75 sa huling 2:21 minuto ng final canto.

Ang layup ni Navarro at jumper ni Ramos ang muling naglayo sa Gilas Pilipinas sa 79-61 sa natitirang 55.6 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Umiskor si Muin Bek Hafeez ng 13 points sa panig ng India kasunod ang 12 markers ni Sekhon.

Nauna nang dinomina ng mga Pinoy cagers ang mga Indians, 88-64, sa una nilang pagtutuos noong Peb­rero 25 sa Smart Araneta Coliseum.

Susunod na sasalang ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na nakatakda sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Indonesia kung saan nila kasama sa Group D ang New Zealand, India at Lebanon.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with