^

PM Sports

6th win nasikwat ng Arellano

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatatag ng Arellano University ang kapit sa No. 2 spot matapos patumbahin ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-12, 25-13, 25-23, kahapon sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Mainit ang palad ni Nicole Sasuman na siyang nagmando sa matikas na ratsada ng Lady Chiefs kung saan kumana ito ng 10 puntos at tatlong excellent receptions. 

Kasama ni Sasuman sa opensa si Princess Robles na gumawa ng siyam na puntos gayundin si Trina Abay umiskor ng walong puntos.

Nasikwat ng Lady Chiefs ang ikaanim na panalo para mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto bitbit ang 6-1 baraha.

Nagrehistro naman si Kristine Adante ng 19 excellent sets kalakip ang dalawang puntos para sa Lady Chiefs.

Nagsanib puwersa naman sina Grace Daisog at Cherry Cuenca sa floor defense nang magrehistro ang mga ito ng 15 digs at anim na receptions, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna para sa Lady Altas si Jenny Gaviola na may nagawang limang puntos at pitong sets habang nasayang ang depensa nina Hannah Suico na may 10 digs at Catherine Lim na may 20 excellent receptions.

Nahulog ang Lady Altas sa 2-5 baraha para sa ika­anim na puwesto.

Magpapatuloy ang aksyon ngayong araw kung saan target ng nangungunang College of Saint Benilde na maipormalisa ang pag-entra sa Final Four sa pagharap nito sa Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali.

Susundan naman ito ng engkuwentro ng Mapua University at Lyceum of the Philippines University sa alas-2:30 ng hapon.

vuukle comment

ARELLANO UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with