^

PM Sports

Gilas dumating na sa New Zealand

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas dumating na sa New Zealand
Ang ilang miyembro ng Gilas Pilipinas team sa pangunguna ni Kiefer Ra­vena bago sila sumakay ng eroplano patungong New Zealand.
SBP photo

Para sa third window ng Asian Qualifiers

MANILA, Philippines — Dumating na sa Auckland, New Zealand ang Gilas Pilipinas kahapon para sa pinal na preparas­yon bago sagupain ang host team sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Eventfinda Stadium.

Pinangunahan ni coach Nenad Vucinic ang Gilas delegation kasama sina assistant coaches Jong Uichico at Goldwin Monteverde.

Namuno sa 11-man roster ng Gilas sina Kiefer Ravena, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Rhenz Abando, Geo Chiu, Lebron Lopez, William Navarro, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Carl Tamayo at Dave Ildefonso.

Kulang ang Natio­nals dahil sa injury ni naturalized player Ange Kouame (meniscal sprain at partial ACL tear) bilang ika-12 mi­yembro sana ng koponan.

Sa kabila nito, nangako si Vucinic ng palabang kampanya at magkakaroon ng ilang araw na paghahanda sa Auckland.

Bukas sasalang ang Gilas sa alas-3:30 ng ha­pon (Manila time) para sa misyong maiganti ang 63-88 kabiguan nila sa New Zealand noong Peb­rero sa Smart Araneta Coliseum.

Pagkatapos ng laro ay lilipad agad pauwi ang Gilas para naman maghanda kontra sa India sa Hulyo 3 sa MOA Arena sa Pasay City.

May 1-1 baraha ang Gilas na hangad makaulit sa India matapos ang 88-64 panalo sa Manila window.

Wala pang galos ang New Zealand sa 3-0 kar­tada sa Group A, may 0-3 baraha ang India habang disqualified naman ang South Korea dahil sa kabi­guang makapagpadala ng koponan noong nakaraang window dahil sa COVID-19 issues.

Bahagi na lamang ng preparasyon ng Gilas ang idinaraos na Asian Qualifiers dahil pasok na ito sa mismong 2023 FIBA World Cup bilang main host.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with