2 PBA teams ipinasok sa magkabilang grupo ng EASL
MANILA, Philippines — Mapapalaban sa magkaiba ngunit parehong solidong grupo ang dalawang teams na ipaparada ng PBA sa East Asia Super League (EASL) matapos ang opisyal na draw ceremony kahapon sa Shang-ri La The Fort Manila.
Nahulog sa Group A ang magka-kampeon sa 2022 PBA Philippine Cup kasama ang Korean Basketball League (KBL) runner-up na Anyang KGC, Japan B. League runner-up Utsunomiya Brex at Taipei Fubon Braves na kampeon ng katatapos lang na P.League+ ng Chinese Taipei.
Nasa bigating Group B ang magiging runner-up ng PBA kasama ang KBL champion na Seoul SK Knights, B.League king na Utsunomiya Brex at Bay Area Dragons ng Greater China.
Malalaman pa sa pagtatapos ng All-Filipino Conference ang dalawang nasabing teams na kakatawan sa PBA sa inaugural season ng EASL bilang kauna-unahang regional league sa Asya.
“Mabigat ang laban natin sa EASL pero abangan nila ang Pilipinas. We will give teams a run for their own money,” ani Marcial.
Dahil sa mahigpit pa ring protocols sa Hong Kong dahil sa pandemya, ang Bay Area Dragons ay sa Maynila muna mananatili para sa kanilang pansamantalang homecourt at para na rin sa pagsali sa 2022 PBA Commissioner’s Cup bilang guest team.
- Latest