^

PM Sports

Liderato itataya ng Benilde vs Mapua

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itataya ng College of Saint Benilde ang malinis na rekord nito laban sa Mapua University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 97 women’s volley­ball tournament ngayong araw sa Paco Arena sa May­nila.

Magtutuos ang Lady Blazers at Lady Cardinals sa alas-12 ng tanghali, habang masisilayan din ang salpukan ng reig­ning champion Arellano University at Colegio de San Juan de Letran sa alas-2:30 ng hapon.

Solong-solo ng St. Benilde ang liderato bit­bit ang imakuladang 4-0 karta, habang pumapa­ngalawa naman ang Arellano at San Sebastian College-Recoletos na may magkatulad na 3-1 marka.

Sariwa pa ang Lady Bla­zers impresibong 25-16, 25-16, 25-16 pagbomba sa Emilio Aguinal­do College noong Biyernes para hablutin ang kanilang ikaapat na sunod na pana­lo.

Na­ni­ni­wala si Benilde head coach Jerry Yee na marami pang kailangang ayusin sa kanilang laro.

Ayaw ni Yee na ma­ging kampante ang kanyang mga Lady Blazers.

“We’re being compla­cent. This is not to be arro­gant or whatever but I’m looking at the team and see what are the things that could possibly be our downfall and that’s what I see,” ani Yee.

Marami pang pagdara­anan ang Lady Blazers kaya’t wala pang dapat ipag­diwang sa kabila ng ka­nilang 4-0 rekord.

Sa kabilang banda, ma­taas din ang moral ng Lady Cardinals na na­ka­sakay sa three-game winning streak.

Ginulantang ng Lady Cardinals ang University of Perpetual Help System Dalta Lady Altas noong Bi­yernes, 20-25, 25-22, 25-23, 13-25, 15-12, na siyang nagpaangat sa kanila sa No. 5 spot.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with