^

PM Sports

Drawing of lots para sa EASL ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matutukoy na ngayon ang grupong kabibilangan ng PBA teams sa official draw ng makasaysayang East Asia Super League tampok ang iba pang de-ka­­libreng mga liga sa kontinente.

Aarangkada ang bunu­tan sa alas-2 ng hapon sa Shangri-La Fort Manila para sa walong koponan na hahatiin sa dalawang gru­po.

Pangungunahan ni EASL co-founder at CEO Matt Beyer ang sere­monya kasama si FIBA executive director for Asia at FIBA Asia secretariat CEO Hagop Khajirian pati na ang mga opisyales ng PBA, Korean Basketball League (KBL), Japan B. League, P.League+ ng Taiwan at Bay Area Dra­gons ng Greater China.

Kakatawan sa PBA si­na Commissioner Willie Marcial at PBA Board of Governors chairman Ricky Vargas ng TNT Tro­pang Giga.

Ipapadala ng PBA ang magiging top teams ng idi­naraos na 2022 Philippine Cup para sa EASL na tampok din ang tig-dalawang koponan mula sa Korea at Japan.

Lalaban para sa Korea ang Seoul SK Knights at Anyang KGC, habang ba­bandera naman sa Ja­pan ang Utsunomiya Brex.

Ma­lalaman pa lamang ang kinatawan ng Taiwan sa gi­naganap na finals se­ries sa pa­­gi­tan ng Taipei Fubon Braves at Hsinchu JKO Lioneers Bay Area Dra­gons, maglalaro ring guest team sa PBA Commissioner’s Cup, ang sasalang para sa Greater China para sa kabuuang eight-team cast ng inaugu­ral EASL.

Bago naman ang EASL draw ay magkakaro­on ng pagpupulong ang mga opisyales sa Advisory Board kasama si Barangay Ginebra governor at San Miguel sports director Alfrancis Chua bilang kinatawan ng PBA.

Sa Oktubre magsisi­mu­la ang EASL at lalarga hanggang 2023 sa ilalim ng home-and-away format tampok ang tumataginting na $1 milyong grand prize para unang kampeon.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with