^

PM Sports

Responsibilidad

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kaliwa’t kanan ang meeting ng mga PBA officials sa kanilang regional counterparts sa mga susunod na araw — sa sidelines ng nakatakdang East Asia Super League summit na magaganap sa bansa.

Kasado na ang magkahiwalay na meet and greet sessions ng Japanese B.League top executive at Korean league chief kay PBA Commissioner Willie Marcial.

Tumimbre rin ang Malaysia league top official sa kanyang pagdalaw kay Pareng Kume.

Ang main issue sa kanilang pagtungo sa Pinas eh, ang EASL summit na highlighted ng magaganap na drawing of lots para sa magiging groupings para sa inaugural EASL tournament na sisipa sa October.

Since nasa Pinas na, nagpa-sked na rin ng pag­silip sa mga PBA games at pakikipaghuntahan sa PBA bossing ang mga foreign league officials.

Siyempre, ang mga Pinoy fans eh, curious kung may mabuo kayang memorandum of agreement ukol sa nangyayaring pag-raid ng mga Japanese at Korean teams sa PBA at pati na sa mga Philippine collegiate leagues.

Ani Pareng Kume, walang nakalatag na specific na pag-uusapan.

At diin din ni PBA bossing na hindi nila haharangan ang opportunities ng mga players na kumita ng dolyares sa foreign leagues.

Kaya mga players, i-enjoy n’yo ang nararanasan ninyong oportunidad. Pero dapat huwag kalimutan ang kaakibat na responsibidad na dapat huwag ipa­hiya ang inyong sarili at ang dugong nananalaytay sa inyong mga ugat.

Make the Philippines proud!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with