^

PM Sports

Okay lang Kai

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Hindi kasama ang pangalan ni Kai Sotto sa 58 na na-draft sa NBA noong Biyernes.

Nakakadismaya pero hindi pa ito ang katapusan ng NBA dream ni Kai, may pag-asa pa rin ang pangarap natin na magkaroon ng pure Pinoy blood sa NBA.

Ibig lang sabihin, magkakaroon pa si Kai ng pa­na­hon na mag-improve, i-develop ang kanyang sarili, ang kanyang skills.

Sa edad na 20, may panahon pa ang 7-foot-3 na si Sotto. Hindi pa huli ang lahat para matupad ang kanyang pangarap na pangarap din natin.

Pero sa isang banda, puwede siyang makalaro sa Gilas Pilipinas para sa third window ng FIBA Asia World Cup qualifiers kontra sa New Zealand sa June 30 sa Auckland at kontra sa India sa July 3 sa Mall of Asia Arena or sa FIBA Asia Cup 2022 sa July 12- 24 sa Jakarta, Indonesia kung magdedesisyon si­yang palampasin ang 20­22 NBA Summer Lea­gue sa U.S.

***

Nakasabay ko sa ba­­­kasyon sa Subic ang wo­men’s volleyball team ng UST last week.

Kailangan din nila ng break after ng matin­ding kampanya sa UAAP ma­tapos masibak sa semifinals ng Ateneo.

Humabol lang si Eya Laure dahil umattend pa siya ng kanyang gra­duation.

Puwede pa siyang maglaro sa UST next season pero baka mag-pro na rin siya.

Wala pa siyang de­sis­yon.

Abangan natin.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with