^

PM Sports

Hotshots umiskor ng back-t0-back wins

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi naging problema para sa Magnolia ang pag­lalaro na wala sina injured guard Paul Lee at suspen­ded forward Calvin Abueva.

Dumiretso ang Hotshots sa kanilang ikalawang sunod na ratsada matapos talunin ang Phoenix Fuel Masters, 95-77, sa PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Naglista si Mark Bar­roca ng 21 points, 6 assists, 5 steals at 5 rebounds para sa 3-3 baraha ng Magnolia at pinigilan ang two-game winning run ng Phoenix (2-3).

“Sabi nga ni coach (Chito Victolero) sa amin, lima naman kaming maglalaro eh, kahit wala iyong mga key players namin,” ani Barroca. “Nag-focus talaga kami sa depensa.”

Nagdagdag si A­ries Dionisio ng 19 markers tampok ang apat na triples.

Binuksan ng Hotshots ang laro sa 11-0 patungo sa pagtatayo ng 21-point lead, 40-19, mula sa triple ni Barroca sa 3:02 minuto ng second period.

Lalo pang nabaon ang Fuel Masters sa 27-54 sa 8:46 minuto ng third quarter matapos ang fastbreak basket ni Dionisio.

Ang layup ni Sanga­lang ang nagbigay sa Magnolia ng komportableng 91-72 kalamangan sa huling 2:36 minuto ng final canto na hindi na naibaba ng Phoenix.

Samantala, sinolo ng Barangay Ginebra (4-1) ang liderato matapos itakas ang 75-72 panalo sa San Miguel (3-1) para sa kanilang ikalawang sunod na arangkada.

Naglista si Christian Standhardinger ng 20 points, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals para sa Gin Kings.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with