^

PM Sports

Rivero sa Taiwan maglalaro

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dadalhin ni Ricci Rivero ang talento nito sa Taiwan matapos pumirma ng kontrata sa Taoyuan Pilots na  naglalaro sa Taiwan P.League.

Si Rivero ang kauna-unahang Pinoy cager na maglalaro bilang world import sa Taiwan.

Napili ng 6-foot-1 player ang Taiwan sa kabila ng kaliwa’t kanang offers mula sa iba’t ibang teams sa Japan B.League at Korean Basketball League.

Sa katunayan, matagal nang nililigawan ng Tao­yuan si Rivero.

“I simply gave so much value to persistence. Taoyuan was around sin­ce the decision to go pro came into the picture. They remained consistent on apprecia­ting my value as a player and how they’re putting their trust in Filipinos,” ani Rivero.

Galing si Rivero sa ma­tagumpay na kampan­ya sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kung saan tinulu­ngan nito ang University of the Philippines na makopo ang kampeonato.

Nagtala si Rivero ng average na 13.52 points kada laro sa nakalipas na season ng UAAP.

Nakatakdang tumulak si Rivero patungong Taiwan sa Oktubre para makasama ang buong team sa kampanya nito.

Hangad ni Rivero na makatulong sa kampanya ng Taoyuan sa liga.

Nais nitong bumuo ng magandang chemistry sa kanyang mga teammates upang magkaroon ng magandang resulta ang kanyang unang taon na paglalaro sa abroad.

vuukle comment

RICCI RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with