^

PM Sports

Mapua kumana ng 3rd win

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Solidong depensa ang naging armas ng Mapua University upang itakas ang pahirapang 20-25, 25-22, 25-23, 13-25, 15-12 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta kahapon sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Nagsilbing lider ng Lady Cardinals si Nicole Ong nang manduhan nito ang opensa at depensa matapos humataw ng 21 puntos tampok ang 13 attacks.

Kumana pa si Ong ng walong blocks para manduhan ang net defense ng kanilang tropa.

Naibulsa ng Mapua ang ikatlong panalo upang sumulong sa 3-1 marka.

Nakasosyo ng Lady Car­dinals sa ikalawang pu­­westo ang defending cham­pion Arellano University at San Sebastian College-Recoletos na pa­re­hong may 3-1 kartada.

Matinding bakbakan ang nasilayan sa buong panahon ng laban partikular na sa fifth set.

Naitarak ng Lady Cardinals ang 10-6 kalama­ngan sa huling kanto ng laban ngunit hindi agad bumitiw ang Lady Altas nang maitabla nito ang iskor sa 10-all.

Subalit dalawang sunod na errors ang nagawa ng Perpetual Help na sinabayan ng atake nina Ong at Carla Gaudan para makalayo sa 14-11 tungo sa panalo.

Naputol naman ang winning run ng Lady Altas na bumagsak sa 2-2 marka.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with