^

PM Sports

Sotto sumalang sa Orlando Magic camp

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumalang na si Kai Sotto sa kanyang unang team workout para sa Orlando Magic habang patuloy ang puspusang paghahanda sa mga susunod pa bago ang 2022 NBA Rookie Draft sa Hunyo.

Mismong si 7-foot-3 Filipino sensation Sotto ang nag-post ng larawan niya sa Magic facility bilang isa sa kanyang mga invitations na maipamalas ang ang­king galing para sa NBA draft sa Hunyo 23 sa Brooklyn, New York.

Hawak ng Orlando ang No. 1 overall pick nga­yong draft kabilang na ang 32nd at 35th overall picks sa second round.

Ayon sa mga ulat, nakalinya rin si Sotto sa iba pang workouts sa halos 12 NBA teams kabilang na ang New York Knicks.

Pagkakataon ito kay Sotto upang mapatunayan ang sarili sa NBA teams matapos hindi naimbitahan sa NBA Draft Combine noong nakaraang linggo tampok ang lagpas 70 na draft aspirants.

Sa katunayan, umangat na si Sotto sa No. 49 mula sa labas ng Top 60 ng Sports Illustrated mock draft.

Wala pa rin si Sotto sa draft big board ng ibang outlets tulad ng ESPN, Yahoo Sports, USA Today, CBS Sports, The Athletic, The Ringer, SB Nation at Bleacher Report bagama’t umangat sa No. 102 mula sa No. 113 ng NBA Draft Room.

Kung papalarin, misyon ni Sotto na maging ka­una-unahang Pinoy homegrown player sa NBA bilang pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong basketball league sa mundo.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with