Valdez, Ravena split na!
MANILA, Philippines — Nalungkot ang sports fans nang tuluyan nang matuldukan ang anim na taon na relasyon nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.
Wala pang personal na anunsiyo sina Valdez at Ravena.
Subalit putok sa social media ang balita ng dalawa kung saan walang malinaw na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Sa halip, naglabas ng statement ang VMG Asia — ang talent management ni Valdez — kung saan nanawagan ito na iwasan ang anumang tsismis sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.
“A lot of specualtion has been made. We appreciate the concern but his decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private,” ayon sa statement.
Nagpasalamat din ang management sa lahat ng sumusuporta kay Valdez lalo pa’t dumaraaan ito sa pagsubok.
Hindi magpapaunlak si Valdez sa anumang interview o katanungan na may kinalaman sa personal na buhay nito.
Ngunit inaasahang maglalabas ng sariling statement si Valdez sa tamang panahon, ayon pa sa statement.
Wala pang inilalabas na komento si Ravena tungkol sa isyu.
- Latest