^

PM Sports

Gilas: Anyare?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pinakamagandang performance sa SEA Games na inilaro sa labas ng bansa sa lagpas tatlong dekada ang nililok ng Team Philippines sa Hanoi Games.

Fourth place na may hakot na 52 golds, 70 silvers at 104 bronzes ang trinabaho ng mga atletang Pinoy.

Tumapos sila sa likod ng overall champion Vietnam, second placer Thailand at third Indonesia, at sa unahan ng Singapore, Malaysia at iba pang kapitbahay natin sa rehiyon.

Sabi ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, tagumpay ang kampanya.

Tunay nga naman, kung pag-uusapan ang laba­nan sa overall medal race.

Pero hindi maitatatwang may ramdam na kakulangan, kalungkutan at malaking pagkatalo.

Ito ay dahil sa salengkwang sa men’s basketball competition -- ang pinakaimportanteng laban para sa mga Pinoy.

Laging sinasabi na pagdating sa SEA Ga­mes, matalo na sa lahat, huwag lang sa basketbol.

Pero nangyari ang hindi inaasahan -- ang malungkot at masaklap na talo ng Gilas Pilipinas sa Indonesia.

Kailan lang eh, tinalo ng dalawang be­ses ng Gilas cadets ang South Korea sa World Cup qualifying ga­mes. Maganda rin ang kanilang ipinakita sa Olympic Qualifying Tour­nament sa Serbia kung saan pinakaba nila ang home team.

Bakit hindi nagtuluy-tuloy ang magandang programa? Ito ang malaking katanungan pag­katapos ng Hanoi heart­breaker.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with