^

PM Sports

Gilas iiwas mapingasan ng Malaysia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalapit ng isang hakbang mula sa matagum­pay na gold medal defense ang Gilas Pilipinas men’s at women’s team kontra sa magkaibang katunggali sa umiinit na 31st Southeast Asian Ga­mes sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Sasagupain ng Gilas men’s ang Malaysia sa alas-11 ng umaga (Manila time) pagkatapos ng duwelo ng Gilas wo­men’s kontra sa Singapore sa alas-9 ng umaga.

Parehong wala pang ga­los ang Philippine teams. May 4-0 baraha ang men’s habang 3-0 naman sa women’s bilang reigning gold medalists ng SEA Games basketball.

Kagagaling lang ng Gilas men’s sa 88-60 panalo kontra sa host na Vietnam matapos daigin ang Thailand, 76-73, Cambodia, 100-32 at Singapore, 88-37.

Dominante rin ang Gilas women’s na pinataob ang Indonesia, 93-77, Thailand, 97-81 at Vietnam, 118-87.

Kung magwawagi uli ngayon ay isang panalo nalang ang kailangan ng parehong koponan upang masiguro ang dalawang gintong medalya para sa Pilipinas.

Sa men’s team ay pakay nila ang ika-14 na sunod at ika-19 na ka­buuang gold medal habang ikalawang sunod na­man sa women’s team.

Sasandal uli si Gilas men’s coach Chot Reyes kina June Mar Fajardo, Matthew Wright, RR Po­goy, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Troy Rosario at teen sensation Lebron Lopez upang giyahan ang atake kontra Malaysia, na may 2-2 kartada.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with