^

PM Sports

Mainit na karera

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Maliit na ang puwang ng Team Philippines para sa upset, failure at kung ano pa mang salengkwang ng pambatong Pinoy kung mananatili ito sa Top Three sa pagtatapos ng 31st Southeast Asian Games.

Ibig sabihin, hindi puwedeng magkamali ang Gilas Pilipinas at ang grupo ni champion lifter Hidilyn Diaz, at kailangan  ding mag-deliver ng mga boxers, wrestlers at esports bets.

Ang mga ito ang kailangan upang umusad ang kampanya at magkapag-asa sa mithiing Hanoi SEAG podium finish.

Hindi nakapagtataka na breakaway leader ang host Vietnam sa medal tally at humugot na ng momentum ang Thailand sa malamang na second-place finish.

Ang excitement eh, nasa matinding bakbakan for third place ang Team Philippines, Indonesia at Singapore.

Nakakagulat na sisinghap-singhap sa sixth place ang Malaysia -- ang runaway champion sa Kuala Lumpur joust noong 2017.

Ang maganda sa Team Philippines, hindi sila nabobokya sa agawan sa ginto sa bawat araw na inusad ng kompetisyon.

Mag-deliver lang ang natitira pa nating pambato eh, puwedeng makamit ang Top Three finish.

Ang asam ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino magbreak-away na nang tuluyan ang Vietnam, huwag lang tayong kainan sa medal race ng ibang kalaban.

Laban Pilipinas! Laban atletang Pinoy!

vuukle comment

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with