^

PM Sports

Lady Spikers ‘di pinaporma ang Lady Maroons

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasadsad sa tatlong sets ng De La Salle University Lady Spikers ang University of the Philippines Lady Maroons, 25-12, 25-17, 25-19 kahapon sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling kuminang si Alleiah Malaluan matapos humarabas ng 16 points, mula sa 15 attacks at isang service ace upang panain ng Lady Spikers ang pangalawang sunod na panalo at itarak ang 4-2 record.

Bumakas para sa DLSU si Fifi Sharma na may kinanang 10 puntos kasama ang pitong attacks at tatlong blocks upang ipalasap sa Lady Maroons ang pangatlong sunod nilang talo.

“UP started strong talaga, so coming into this game talagang double time ang paghahanda ng team,” saad ni assistant coach Benson Bocboc.

Tumikada rin sina Thea Gagate at Jolina Dela Cruz ng tig pitong puntos habang si captain Mars Alba ay bumanat ng 15 excellent sets.

Umiskor si Niña Ytang ng walong puntos para sa Lady Maroons na tangan ang 3-3 karta.

Sa ikalawang laro, ipinakita na ng Ateneo University Blue Eagles ang kanilang tikas nang kaldagin ang University of the East Lady Red Warriors, 25-14, 20-25, 25-11, 25-14.

Kumayod si Faith Nis­peros ng 19 puntos mula sa 15 kills, tatlong service aces at isang block para ihatid ang Blue Eagles sa 3-3 karta.

vuukle comment

LADY MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with