^

PM Sports

Host country liyamayado sa SEA Games

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bilang host country, inaasahan ang malakas na ratsada ng Vietnam sa 31st Southeast Asian Games na kasalukuyang inilalaro sa Hanoi.

Laging llamado ang host nation sa regional meet na ito dahil pinapayagan silang magpasok sa games calendar ng mga laro na kahit sila lang ang tunay na nakakaalam nito.

Allowed din ang host na magbawas ng events sa mga sports disciplines na mahina sila.

Ito ang kalakaran sa SEA Games -- bagay na sinamantala rin naman ng Pilipinas sa pagkakataon na tayo ang host country.

Nariyan ang maraming categories sa arnis na walang tatalo sa mga Pinoy experts. Idagdag pa ang kung anu-anong tiyempong tugtog sa dancesport.

Pero hindi pa rin ma­pupulaan ang ipina­kitang dominasyon ng mga Filipino athletes sa 2019 Manila SEAG.

Sustinado ng Team Philippines ang ratsada hanggang sa kasaluku­yang Hanoi SEAG.

May mga naka­wa­lang gold medals, pero lumalaban sa taas ng me­dal standings ang mga Pinoy bets.

Muli, salamat sa ma­­laking suporta ng Du­terte administration sa Philippine sports.

Tingin ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez, didiretso ang magandang gulong ng Phl campaign sa 2024 Paris Olympics -- and beyond.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with