^

PM Sports

Si Obiena ang sakalam

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Walang duda! Malakas talaga ang pole vaulter na si EJ Obiena.

Ipinakita niyang siya ang pinakamahusay na pole vaulter sa Southeast Asian region nang manalo ito ng gold sa kasalukuyang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Sumablay lang siya noong 2021 Tokyo Olympics pero promising talaga itong si EJ.

Kaya nga isa ako sa nalungkot nang nagkaproblema siya sa PATAFA tungkol sa liquidation.

Madali lang sanang nalutas ang issue na ito pero lumaki nang lumaki.

Na umabot pa sa pagkakatanggal niya sa National team.

Isa rin ako sa sobrang natuwa nang nagkasundo at naayos ang problema nina EJ at PATAFA pre­si­dent Philip Ella Juico.

Imagine nga naman kung mawala sa atin si EJ.

Madami pa namang umaaligid sa kanya no­ong kainitan ng gulo at gustong samantalahin ang isyu para makuha siya.

Ilang gold ang ma­wawala sa atin hindi lang sa SEA Games kun­di sa Asian championships pati na rin sa mga World cham­pion­ships at ma­ging sa Olympics.

World-class athlete itong si EJ.

Kapag nahasa iyan nang husto, ‘di mala­yong magkakaroon ulit tayo ng Olympics gold. 

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with