^

PM Sports

Marcial mag-eensayo na sa Vegas

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na pagpapakondisyon sa Los Angeles, California ay didiretso si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa Las Vegas, Nevada para sa kanyang opisyal na pag-eensayo.

“Off to Las Vegas,” ang social media post ni Marcial kahapon kasama si Sean Gibbons, ang presidente ng MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao.

Inaasahang malalaman sa susunod na linggo kung sino ang makakasagupa ni Marcial.

Bumalik ang tubong Zamboanga City na si Marcial sa America para paghandaan ang kanyang ikalawang professional fight sa Abril bilang isang middleweight fighter.

Makakasama ng 26-anyos na Pinoy boxer ang pamosong Mexican conditioning coach na si Angel Memo Heredia sa kanyang training camp sa Las Vegas.

Kabilang sa mga sinanay ni Heredia ay sina Mexican world champions Jorge Arce at Juan Manuel Márquez na apat na beses nilabanan ni Pacquiao.

Ginawa ni Marcial ang kanyang pro debut noong Disyembre ng 2020 kung saan tinalo niya si American Andrew Whitfield via unanimous decision sa kanilang four-round battle sa Los Angeles.

Matapos ang kanyang ikalawang pro fight ay umaasa si Marcial na makakalahok siya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na nakatakda sa May 12-25.

Hangad ni Marcial ang kanyang ikaapat na sunod na gold medal sa men’s middleweight division ng biennial event.

vuukle comment

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with