^

PM Sports

Sa PVL kukunin ang SEAG national women’s team

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Manggagaling sa Premier Volleyball League (PVL) ang listahan ng mga bubuo sa women’s national volleyball team na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sesentro muna ang atensiyon sa pagkuha ng mga professional volleyball players habang isasantabi muna ang mga collegiate players dahil nakatakdang simulan ang ilang collegiate league sa Marso.

Tatama ang schedule ng mga collegiate league sa SEA Games na idaraos naman sa Mayo kaya’t minabuti na huwag na munang isama ang mga collegiate players.

Dahil dito, nakatakdang humugot ang volleyball association sa mga pro players ng PVL.

Nakatakdang magpulong ang pamunuan ng PVL kung itutuloy nito ang Open Conference sa Pebrero o ililipat na lamang ito matapos ang SEA Games sa Mayo.

Kung hindi matutuloy ang Open Conference, agad na sisimulan ang training ng national team para paghandaan ang SEA Games.

May inisyal na listahan na sa mga posibleng mapasama sa national team ngunit daraan pa ito sa masusing pag-aaral ng board upang madetermina ang final lineup. Naglaro sa national pool noong nakaraang taon ay sina Dindin Santiago-Manabat at Filipino-American Kalei Mau kasama sina Majoy Baron, Dawn Macandili, Kim Dy, Aby Maraño, Ria Meneses, Mylene Paat, Dell Palomata, MJ Phillips, Jaja Santiago, Tin Tiamzon, Iris Tolenada, Deanna Wong, Kat Tolentino, Jema Galanza at Gel Cayuna.

vuukle comment

SEAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with