^

PM Sports

Adelaide ni Sotto pipiliting makabawi

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy na ratsada ang hangarin ni Kai Sotto ngayon upang matulungan ang Adelaide 36ers na makabawi sa laban kontra sa Illawarra Hawks sa Australia National Basketball League (NBL) sa Win Entertainment Center.

Determinado si Sotto sa duwelong nakatakda sa alas-4:30 ng hapon (Manila time) matapos magpamalas ng kanyang best game sa NBL sa kabila ng pagkatalo ng 36ers kontra sa reigning champion na Melbourne United kamakalawa.

Yumukod ang Adelaide, 97-78, su-balit nagkapagtala ang Filipino sensation ng anim na puntos, walong rebounds at isang steal sa 16 minutong aksyon lang kasama ang dakdak na kanyang unang NBL field goal.

Nagkasya lang sa isang puntos mula sa freethrow, tatlong rebounds, dalawang assists at dalawang tapal si Sotto sa kanyang opisyal na debut noong nakaraang buwan kontra sa Cairns Taipans.

Kontra sa Illawarra, makikipagkapit-bisig si Sotto kina Daniel Johnson, Cameron Bairstow at Sunday Dech para makabalik sila sa winning column ang 36ers hawak ang 3-4 kartada.

May 4-3 baraha ang Illawarra na sabik ding makabawi matapos matalo sa Perth Wildcats, 94-78.

Ito na ang ikatlong sunod na laro ng Adelaide, na tinalo ang Perth sa kanilang pagbabalik, 87-74, matapos ang isang buwang pagkakatengga dahil sa COVID-19 protocols.

Kabuuang limang laro ang na-postpone sa iskedyul ng 36ers kaya siksik ang mga nakalinyang laban sa umiinit na ikawalong linggo ng NBL regular season.

 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with