^

PM Sports

Goal ni McDaniel susi sa unang panalo ng Pinay booters

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Goal ni McDaniel susi sa unang panalo ng Pinay booters
Chandler McDaniel.

MANILA, Philippines — Maugong na binuksan ng Philippine wo-men’s football team ang kampanya sa 2022 AFC Women’s Asian Cup matapos umiskor ng makasaysayang 1-0 panalo kontra sa karibal na Thailand kahapon sa Navi Mumbai, India.

Isinalpak ni Chandler McDaniel ang game-winning goal sa 81st minute upang akayin ang Filipina booters sa kauna-unahan nilang panalo kontra sa Southeast Asian rivals.

Sa katunayan ay nasalag ni goalkeeper Waraporn Boonsing ang nagliliyab na goal attempt ni McDaniel su-balit dumulas ito mula sa kanyang kamay tungo sa makasaysayang panalo ng Pilipinas.

Bago ito ay may 0-12 kartada ang Pinas kontra sa five-time Southeast Asian Games champion na Thailand.

Dahil sa malaking panalo ay umangat sa 1-0 bahara ang Pilipinas sa Group B sa likod ng Australia na may 1-0 kartada rin bago ang kanilang duwelo bukas.

Bigating underdog ang Pilipinas kontra sa Australia na kagaga-ling lang sa pambihirang 18-0 panalo kontra sa Indonesia kamakalawa.

Hangarin ng Nationals na magtapos sa top five ng Asian Cup upang makapasok sa 2023 FIFA Women’s World Cup matapos kapusin noong 2018 nang magkasya lang sa sila sa ikaanim na puwesto.

 

vuukle comment

CHANDLER MCDANIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with