^

PM Sports

Cheng nag-isip mabuti bago lumipat sa Choco Mucho

Chris Co - Pang-masa
Cheng nag-isip mabuti bago lumipat sa Choco Mucho
Des Cheng.

MANILA, Philippines — Aminado si wing spiker Des Cheng na hindi naging madali ang pagdedeisyon nitong lumipat sa Choco Mucho para sa 2022 season ng Premier Volleyball League (PVL).

Naging tahanan na ni Cheng ang F2 Logistics sa kanyang buong volleyball career lalo pa’t hawak ito ni De La Salle University head coach Ramil de Jesus na nagsilbi nitong mentor sa loob ng mahabang panahon.

Ngunit walang magagawa si Cheng kundi ang lisanin ang kampo ng Cargo Movers para magsimula ng bagong kabanata ng kanyang volleyball career kasama ang bagong pamilya na Flying Titans.

“The decision to move to Choco Mucho wasn’t easy. It was necessary. But far from easy,” ani Cheng sa kanyang post sa social media.

Maganda naman ang paghihiwalay ni Cheng at ng Cargo Movers. Nagpaalam ito sa pamunuan ng F2 Logistics at kay De Jesus na maluwag namang tinanggap ang kanyang desisyon.

Huling nasilayan sa aksiyon si Cheng nang magkampeon ang F2 Logistics sa Champions League noong Nobyembre.

“Before we started the festivities to celebrate winning Champions’ League last year, I took a chance and told him everything,” ani Cheng.

Nagbigay rin ng magandang mensahe sa kanya si De Jesus at umaasahang madadala nito ang kanyang championship experience sa Choco Mucho.

Dalawang beses na nagkampeon si Cheng sa UAAP at Philippine Superliga kasama pa ang kampeonato sa Champions League. “Coach Ramil said he wishes me well. He said he prays for a healthy Des in the years to come. He said he hopes my new team takes good care of me because it would hurt him to witness if they didn’t,” ani Cheng.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with