^

PM Sports

May misyon ang Philippine taekwondo team sa Vietnam SEA Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang mapanatili o malampasan ang kanilang hinakot na walong gold medals noong 2019 ang layunin ng Philippine national taekwondo team sa pagsabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ang tatlo sa walong gintong kinolekta ng national squad ay mula kina poomsae artists Jocel Lyn Ninobla at Rodolfo Reyes Jr.

“Kailangan lagi kang mag-explore ng ibang techniques, mag-improve ka nang mag-improve,” wika kahapon ni Ninobla, ang kasalukuyang No. 3 sa World Taekwondo rankings, sa PSC Hour program

Bukod sa walong gold medal ay humakot din ang national taekwondo squad ng siyam na silver at apat na bronze medals noong 2019 SEA Games na pinamahalaan at pinagharian ng Team Philippines.

“This coming SEA Games, mas nakaka-pressure na ma-maintain namin iyong performance namin last (2019) SEA Games,” sabi ni Reyes na kumuha ng dalawang gold medal sa men’s individual at team recognized events.

Bukod sa Hanoi SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-25 ay lalahok din ang koponan sa World Cham-pionships sa Korea sa Abril at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

Ang lahat ng miyembro ng national team ay sasailalim sa tryouts para sa mga komposisyon ng grupong ilalaban sa nasabing tatlong torneo.

Napilitan ang Philippine Olympic Committee (POC) na tapyasan sa 584 ang bilang ng mga atletang isasalang sa Hanoi SEA Games dahil sa kakapusan ng pondo ng Philippine Sports Commission (PSC).  Magpapadala sana ang POC ng 627 atleta sa Hanoi SEA Games.

 

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with