^

PM Sports

PBA ikukonsidera ang schedule ng EASL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa ang PBA na ilinya ang iskedyul nito ngayong taon para sa makasaysayang paglahok sa East Asia Super League bilang isa sa mga founding leagues nito.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, aprubado na ng PBA Board of Governors ang planong pagplantsa sa 47th PBA Season schedule para sa pagbubukas ng EASL sa Oktubre.

“Green and go ang EASL. Excited na kami na maglaro sa East Asia,” ani Marcial na nakipagpulong kay EASL co-founder and CEO Matt Beyer kamakailan tungkol sa full calendar ng international league.

“Kinausap ko na si Deputy Commissioner Eric Castro na i-adjust ang schedule. Kailangan i-adjust ‘yung schedule para doon sa mga teams na pupunta.”

Dalawang koponan mula sa PBA ang babandera sa EASL kontra sa mga karibal na clubs mula sa South Korea, Japan, Chinese Taipei at Greater China para sa kabuuang eight-team cast ng inaugural season nito.

Lalarga sa Oktubre 12 ang EASL at posibleng humarang agad sa daan ng PBA ang pambatong koponan mula sa Japan B. League o Korean Basketball League, ayon kay Marcial.

May home-and-away format ang EASL na lalarga sa loob ng limang buwan para paglabanan ang $1 milyong pabuya para sa grand champion.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with