^

PM Sports

Curry, Thompson binuhat ang Warriors

Pang-masa
Curry, Thompson binuhat ang Warriors

SAN FRANCISCO — Muling nabuhay ang ‘Splash Brothers’ matapos kumonekta si Klay Thompson ng 21 points at may 18 markers si Stephen Curry para igiya ang Golden State Warriors sa 102-86 paggiba sa Detroit Pistons.

Nagsalpak si Thompson ng tatlong three-point shots, habang may apat si Curry para sa Warriors (32-12) na pumapangalawa sa NBA-leading Phoenix Suns (34-9).

Sa pangunguna nina Thompson at Curry, tumipa ang Golden State ng anim sa una nilang siyam na triples para sa 33-22 bentahe sa Detroit (10-33) sa first period.

Pinalobo pa ito ng Warriors sa halftime, 66-38, para tuluyang ibaon ang Pistons.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 19 points para sa Golden State na naglaro sa pang-limang sunod na pagkakataon na wala si injured forward Draymond Green (left calf injury).

Sa New York, ipinasok ni Karl-Anthony Towns ang isang 3-point play sa huling 29 segundo para tulungan ang Minnesota Timberwolves (22-22) sa 112-110 paglusot sa Knicks (22-23).

Nagtala si Towns ng 20 points para sa ikaanim na panalo ng Timberwolves sa huli nilang walong laban at nakahugot ng 21 points kay Anthony Edwards.

Kinuha ng New York ang 107-102 kalamangan sa huling 3:41 minuto ng final canto galing sa ikatlong triple ni Kemba Walker hanggang makumpleto ni Towns ang kanyang 3-point play mula sa foul ni Julius Randle para sa 111-109 abante ng Minnesota.

Matapos ang free throw ni Randle para sa 110-111 agwat ng Knicks ay ipinasok ni Patrick Beverley ang isang foul shot para sa 112-110 abante ng Timberwolves sa huling 19 segundo.

vuukle comment

KLAY THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with