^

PM Sports

Raptors muling nilapa ang bucks

Pang-masa
Raptors muling nilapa ang bucks

MILWAUKEE — Nagposte si Pascal Siakam ng 30 points, 10 assists at 10 rebounds para sa kanyang ikala-wang career triple-double at inihatid ang Toronto Raptors sa 103-96 panalo sa nagdedepensang Bucks.

Ito ang pang-limang sunod na pagdaig ng Toronto (21-19), nasa ikawalong puwesto sa East, sa No. 4 na Milwaukee (27-18) sa kanilang sariling duwelo.

Kinuha ng Bucks ang 22-7 abante sa first period hanggang maagaw ng Raptors ang 53-52 bentahe mula sa 11-foot jumper ni Siakam sa 9:19 minuto sa third quarter.

Tatlong beses nakatabla ang Milwaukee sa fourth quarter bago tuluyang makapagtayo ang Toronto ng kompor-tableng kalamangan.

Pinamunuan ni Gian-nis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 30 points, 6 boards at 4 assists at may 18 at 16 markers sina Grayson Allen at Khris Middleton, ayon sa pagkakasunod.

Sa Boston, ipinasok ni Robert Williams ang dalawang free throws sa huling 9.7 segundo sa 114-112 paglusot ng Celtics (22-22) sa East-leading Chicago Bulls (27-14).

Tumapos si Williams na may 14 points at 13 rebounds para sa Boston.

Sa New York, nag-lista si James Harden ng 27 points, 15 assists at 8 rebounds sa 120-105 pagdurog ng Brooklyn Nets (27-15) sa New Orleans Pelicans (16-27).

Nagkaroon si NBA scoring leader Kevin Durant ng left knee sprain sa first half at hindi na nakabalik para sa Nets.

vuukle comment

BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with