^

PM Sports

TJ titans kampeon sa PBA 3x3 4th leg

Russell Cadayona - Pang-masa
TJ titans kampeon sa PBA 3x3 4th leg

MANILA, Philippines — Isang bagong kampeon na naman sa 2021 PBA 3x3 Lakas ng Tatlo tournament.

Pinagharian ng Purefoods TJ Titans ang fourth leg matapos patumbahin ang Leg 2 winners Meralco, 21-16, sa finals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ibinulsa nina Joseph Eriobu, Jed Mendoza, Pao Javelona at Antonio Bonsubre ng TJ Titans ang premyong P100,000, habang nabigo sina Tonino Gonzaga, Joseph Sedurifa, Dexter Maiquez at Alfred Batino ng Bolts na makamit ang ikalawa nilang leg title.

“Gusto talaga naming manalo, Kahit na anong mangyari basta focus lang kami sabi namin. Good call or bad call laro lang kami,” sabi ni Javelona.

Ang dunk ni Eriobu ang nagbigay sa Purefoods ng 10-6 abante bago nakatabla ang Meralco sa 15-15.

Isang two-point shot at jumper ang isinalpak ni Javelona para muling ilayo ang TJ Titans sa 18-15, samantalang ang layup at 2-pointer ni Bonsubre ang tuluyan nang nagpatumba sa Bolts.

Para umabante sa finals ay tinalo ng Meralco ang Platinum Karaoke, 21-13, habang binigo ng Purefoods ang first leg titlist TNT Tropang Giga, 21-11, sa kani-kanilang semis matches.

Samantala, tinakasan nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Lervin Flores at Martin Gozum ng TNT sina Chris De Chavez, Karl Dehesa, JR Alabanza at Ryan Monteclaro ng Platinum, 21-20, para sa third place trophy.

Ang fifth leg ay tuwing Sabado at Linggo na lamang bago ang aksyon sa 2021 PBA Governors’ Cup na bubuksan sa Miyerkules.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with