^

PM Sports

Bucks pinalamig ang Heat

Pang-masa
Bucks pinalamig ang Heat
Pat Connaughton.

MILWAUKEE — Nagsalpak si Pat Connaughton ng pitong three-pointers at tumapos na may 23 points para tulungan ang nagdedepensang Bucks sa 124-102 pagpapalamig sa Miami Heat.

Ginawa ito ng Milwaukee (15-9) bagama’t hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo na may right calf injury, habang wala naman sina injured starters Jimmy Butler at Bam Adebayo sa panig ng Miami (14-10).

Nauna nang dinomina ng Heat ang Bucks, 137-95, sa una nilang pagkikita bago sumandal ang defending cham-pions kina Connaughton, Khris Middleton at Jrue Holiday sa kanilang rematch.

Tumipa si Connaughton ng 7-of-13 shooting sa 3-point line, habang nagtala si Middleton ng 22 points, 9 assists at 6 rebounds para sa Milwaukee na ibinaon ang Miami sa pagtatapos ng third period, 105-76

Umiskor si Max Strus ng 25 points para sa Heat at may 16 at 15 markers sina Caleb Martin at Tyler Herro, ayon sa pagkakasunod.

Sa San Francisco, humataw si Derrick White ng 25 points para pamunuan ang San Antonio Spurs (8-13) sa 112-107 panalo sa Golden State Warriors (19-4).

Ang kabiguan ng Warriors, nakahugot kay Stephen Curry ng 27 markers, ang muling nagtabla sa kanila ng Phoenix Suns sa No. 1 spot sa NBA at sa Western Conference.

Sa Brooklyn, nagtala sina Zach LaVine at DeMar DeRozan ng pinagsamang 60 points sa 111-107 pagsuwag ng Chicago Bulls (16-8) sa Nets (16-7) sa matchup ng top teams sa Eastern Conference.

Sa New York, humakot si Nikola Jokic ng 32 points at 11 rebounds sa 113-99 paggupo ng Denver Nuggets (11-11) sa Knicks (11-12).

Sa iba pang laro, pinatumba ng Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks, 97-90; tinalo ng Boston Celtics ang Portland Trail Blazers, 145-117; at wagi ang Sacramento Kings sa Los Angeles Clippers, 104-99.

vuukle comment

BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with