^

PM Sports

Timbang ni Casimero bantay-sarado na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bantay-sarado na ang diet ni reigning World Bo­xing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero upang makuha ang perpektong timbang sa laban nito kay mandatory challenger Paul Butler sa Disyembre 11 sa Coca-Cola Arena sa Dubai, United Arab Emirates.

Sa kasalukuyan, may 126 pounds na timbang si Casimero.

Ngunit dahil sa disiplina nito sa diet, inaasa­hang mabilis na makukuha ng Pinoy champion ang 118-pound weight limit.

Ipinakita ni Casimero ang magandang hubog ng pangangatawan nito sa isang video sa kanyang vlog.

“Wala nang taba,” ayon kay Casimero.

Kasama ni Casimero sa kanyang training camp sina dating world champion Manny Melchor, Stephen Lunas at kapatid na si Jayson Casimero.

Paborito si Casimero na manalo kay Butler.

Subalit walang puwang ang pagiging kumpiyansa para kay Casimero.

Nasa pukpukang ensayo ito para matiyak na kasado ang lahat bago sumalang sa laban.

Sumailalim na sa ilang sparring sessions si Casimero.

Sa ilang videos na pinost nito, kitang-kita na ang bagsik at bilis ng kanyang kamao.

Target ni Casimero na makuha ang impresibong panalo.

vuukle comment

JOHN RIEL CASIMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with