^

PM Sports

TNT Tropang Giga 2-panalo na

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinalawahan ng TNT Tropang Giga ang Magnolia nang manaig sa Game Two, 105-93, ng 2021 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagsalansan si rookie guard Mikey Williams ng 28 points, 9 rebounds at 6 assists para sa 2-0 lead ng Tropang Giga sa best-of-seven championship series nila ng Hotshots.

“I know that it’s going to be a challenge but my teammates and my coaches told me to just accept it,” sabi ni Williams sa ibinigay sa kanyang responsabilidad ni coach Chot Reyes.

Nagdagdag si Jayson Castro ng 16 markers at may 12, 11 at 10 points sina Troy Rosario, Brian Heruela at Ryan Reyes, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang nirapido ng TNT ang Magnolia sa Game One, 88-70, kung saan nagtayo sila ng 32-point lead sa third period patungo sa panalo.

Lumapit ang Tropang Giga sa pang-walong korona matapos magkampeon noong 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Nagpaulan ang TNT ng 13 three-pointers sa first half na naging daan para ma-kontrol nila ang laban..

Bagama’t parehong may iniindang back injury, nag-ambag pa rin sina Kelly Williams at Ian Sangalang sa kani-kanilang team.

Kalalabas lang ng ospital, tumapos si veteran forward Kelly Williams na may 3 points, 5 rebounds at 1 assists para sa TNT.

Humakot naman si Sangalang ng 25 points, 7 boards at 2 assists sa panig ng Hotshots na nakahugot kina Paul Lee, Calvin Abueva at Mark Barroca ng 12 at tig-11 markers, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with