^

PM Sports

Alyssa umiyak sa loob ng PBB House

Chris Co - Pang-masa
Alyssa umiyak sa loob ng PBB House
Alyssa Valdez.

MANILA, Philippines — Palaban si volleyball star Alyssa Valdez sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season kung saan isa siya sa  12 housemates na kasalukuyang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Kilala ang Creamline Cool Smashers team captain na si Valdez sa pagiging matapang lalo sa loob ng court ngunit sa isang episode ng PBB, naging emosyonal ito matapos makatanggap ng sulat mula sa kanyang mahal sa buhay.

“Dear Aly, anak Ly alam kong hindi madali ang pinasok mo ngayon. Hindi rin namin alam kung ok ka ba sa Bahay ni Kuya. Pero alam naming kayang kaya mo ‘yan,” ani Valdez na pinipigilang mapaiyak habang binabasa ang sulat.

Galing ito sa pangunahing tagasuporta ng volleyball player-- ang kanyang nanay na nagpadala rin ng larawan ng kanilang bahay na resulta ng pagsisikap ni Valdez sa mundo ng volleyball.

“Nandito lang kami nina tatay, kuya at Ian para la-ging sumuporta sayo. Ipinadala ko sayo ang larawang ito na sumisimbolo sa iyong katatagan at kababaan ng iyong kalooban, kadakilaan ng iyong puso at pagmamahal,” pagpapatuloy pa ni Valdez na hindi na napigilan pa na maluha habang binabasa nito ang maramdaming mensahe ng kanyang magulang. “Alam kong ang tahanang ito ay mula sa iyong pagsisikap. Hindi man namin nakikita ‘yun araw araw subalit ramdam namin kung gaano ka nagsikap at napagod,” aniya.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with