^

PM Sports

Kobe Paras sinorpresa ng kanyang Niigata teammates

Chris Co - Pang-masa
Kobe Paras sinorpresa ng kanyang Niigata teammates
Kobe Paras.

MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap si Kobe Paras ng kanyang Japan B.League Division I team na Niigata Albirex BB sa unang training nito sa Japan.

Sa katunayan, binigyan pa ang dating University of the Philippines standout ng birthday ce-lebration.

Noong Setyembre 19 pa ang birthday ni Paras ngunit hindi ito nagkaroon ng pagkakataon para magdiwang ng kanyang ika-24 kaarawan dahil sumasailalim pa ito sa mandatory 14–day quarantine noon.

Kaya naman sinorpresa ng Niigata Albirex BB ang Pinoy cager sa kanilang ensayo sa pamamagitan ng isang cake na may ilang pirasong kandila.

Kumanta ng happy birthday song ang lahat ng miyembro ng Niigata Albirex BB kasama rin ang mga staff, coaches at officials para batiin si Paras sa kanyang kaarawan.

“Happy birthday Kobe Paras. He turned into 24 year old, while he’s in quarantine, so we celebrated him today after his first practice. We hope you will have great year,” ayon sa mensahe ng Niigata Albirex BB sa kanilang social media account.

Masaya si Paras dahil welcome na welcome ito sa kanyang bagong team na magsisilbi nitong pa-milya sa buong season ng Japan B.League. Nagpa-salamat din ito sa mainit pagtanggap sa kanya ng Niigata Albirex BB.

Isa lamang si Paras sa walong Pinoy players na maglalaro sa Japan B.League. Maglalaro rin sa B.League sina Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots) at Kemark Carino (Aomori Wat’s) at Dwight Ramos (Toyama Grouses).

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with