Super Swerte nanguna sa Cojuangco Cup
MANILA, Philippines — Hindi binigo ng Super Swerte ang mga tagahanga nito matapos angkinin ang titulo sa 5th Henry Cojuangco Cup Division II kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce, walang kahirap-hirap na nanalo ang Super Swerte sa karerang na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Bago naging opisyal ang lineup ng nasabing karera ay pinagdudahan ng mga karerista ang kakayahan ng Super Swerte dahil sapul nang matalo sa Presidential Gold Cup noong Disyembre 2020 ay hindi pa ito nanalo ngayong taon.
Kalmadong lumabas ang Super Swerte sa aparato, hinawakan ang unahan at nakadikit ang mga kalaban papasok ng farturn, subalit biglang umunat ang winning horse kaya bumalik sa tatlong kabayo ang lamang nito pagdating ng rektahan.
Samantala, nagwagi ang Super Ninja sa PHILRACOM 3-Year-Old Maiden Stakes Race, (Local/Imported) na pinasibat sa pangalawang karera.
- Latest