^

PM Sports

Ancajas aakyat sa bantamweight

Chris Co - Pang-masa
Ancajas aakyat sa bantamweight
Jerwin Ancajas.

MANILA, Philippines — Makikipagrambulan na rin si International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas sa bantamweight division kasama ang iba pang Pinoy world champions.

Desidido si Ancajas na umangat sa naturang dibisyon sa oras na makumpleto na ang misyon nitong makuha ang unification bout sa super flyweight class.

“Handa na ako (umakyat ng timbang). Hinihintay ko lang ‘yung decision ni coach kung kailan ang tamang date,” ani Ancajas.

Sa katunayan, naghahanda na si Ancajas na sumampa sa bantamweight division kung saan nais nitong makalaban ang mga top boxers sa naturang division.

Kabilang na sa mga listahan ni Ancajas ang kababayang sina World Boxing Council (WBC) champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire at World Boxing Organization (WBO) titlist John Riel Casimero.

Hindi naman na bago si Ancajas sa pagkakataong makalaban ang kapwa Pinoy sa isang world title fight.

Matatandaang nakasagupa na nito si Jonas Sultan noong 2018 sa Fresno, California kung saan nakuha nito ang unanimous decision win para mapanatili ang kanyang IBF crown. “Sanay na ako makalaban ang kapwa Pinoy sa isang world title fight. Kaya kapag may pagkakataon, gusto kong makalaban ang mala-laking boxers tulad ni Donaire,” ani Ancajas.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with