^

PM Sports

Kobe Paras sumalang na sa Niigata Albirex BB

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasali na si Kobe Paras sa ensayo ng Niigata Albirex BB pagkatapos ng kanyang mandatory quarantine para sa magbubukas na 2021-2022 Japan B. League season sa katapusan ng buwan.

Sumailalim si Paras sa 14-day quarantine pagdating sa Japan at handa na ngayong makahabol sa preparasyon at che-mistry ng Niiagata para sa misyon na makabawi matapos ang maalat na kampanya noong nakaraang season.

“Welcome to Niigata, Kobe,” anang Albirex BB sa kanilang social media kahapon.

Lagpas isang linggo lang ang magiging ensayo ni Paras sa Albirex na nagkasya lang sa 16-38 kartada noong nakaraang season bago ang kanilang debut kontra sa Kyoto sa Oct. 2.

Sa Setyembre 30 magbubukas ang B. League, kung saan lalaro rin ang ang pitong Filipino cagers.

Sa simula nitong buwan ay nagdesisyon si Paras na maglaro ng professional basketball sa Japan matapos ang isang season lang sa UP Fighting Maroons sa UAAP tampok ang Mythical Five citation sa likod ng inirehistro niyang 16.1 puntos, 5.1 rebounds at 1.8 assists.

Lalaro rin ang mga kapwa niya UAAP standouts na sina Thirdy Ravena (San-en), Kiefer Ravena (Shiga), Ray Parks Jr. (Nagoya), Javi Gomez De Liano (Ibaraki) at Dwight Ramos (Toyama) sa B. League Division I.

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with