^

PM Sports

Silatan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa penultimate play date pa lang ng PBA Philippine Cup elims, naplantsa na ang Top Four sa parating na playoffs.

Maagang pumoste ang TNT Tropang Giga sa No. 1 at sumunod na hinugot ng Meralco ang No. 2. Naiwan sa No. 3 ang Magnolia na sinundan ng San Miguel Beer sa No. 4.

Kung walang ligwakan na mangyayari sa unang phase ng playoffs, maghaharap ang TNT at San Miguel at Meralco versus Magnolia sa Final Four.

Ito ay dalawang semifinal series o kambal na corporate war sa pagitan ng koponan ng San Miguel Corp. at pambato ng MVP Group.

Kung bukas para sa mga manonood, pupunuin nito ang playing venue.

Pero walang kasiguruhan na walang silatan na mangyayari.

Noong nakaraang Clark bubble play, in-upset ng No. 5 Meralco ang No. 4 San Miguel kahit na tangan pa ng mga Beermen ang twice-to-beat advantage. Sa semis, inungusan naman ng third seed TNT ang second ranked Phoenix.

Sa Bacolor play, No. 1 at No. 2 lang ang may “win-once” bonus. Si No. 3 at No. 4 ay haharapin ang No. 6 at No. 5 sa best-of-three quarterfinals.

Kagabi patapos ang one-round-robin elims. Pero malamang mangailangan ng playoff game upang madetermina ang kabuuan ng playoff picture.

Hindi ako magugulat kung magkasilatan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with