^

PM Sports

Meralco twice-to-beat na

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco twice-to-beat na

MANILA, Philippines — Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Meralco at inangkin ang huling ‘twice-to-beat’ incentive matapos talunin ang NLEX, 104-101, sa 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Bilang No. 2 team ay lalabanan ng Bolts, may 8-2 record ngayon sa likod ng three-game winning streak, sa quarterfinal round ang No. 7 squad, habang haharapin ng No. 1 TNT Tropang Giga ang No. 8.

“This is the first time in the Meralco history that we were able to do it,” ani one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black sa pagkopo ng twice-to-beat sa All-Filipino tourney.

Umiskor si Allein Maliksi ng 22 points at may 17, 16, 13 at 10 markers sina rookie Alvin Pasa-ol, Mac Belo, Raymond Almazan at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.

“Iyong last two games sobrang important sa amin para iyong momentum madala namin sa playoffs,” sabi ni Maliksi na nagsalpak ng apat na triples.

Nakatakdang labanan ng Bolts ang nagdedepensang Ginebra Gin Kings ngayong alas-2 ng hapon.

Matalo man ang Meralco sa Ginebra para sa kanilang 8-3 baraha kagaya ng Magnolia ay makukuha pa rin ng Bolts ang No. 2 seat dahil sa 95-94 panalo nila sa Hotshots noong Setyembre 1.

Balik-laro na sina Chris Newsome at Cliff Hodge, hindi nakalaro sa naunang 2-panalo Bolts dahil sa health and safety protocols.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with