Ibibigay lahat ng Gilas Women’s
MANILA, Philippines — Walang inaasahang malaki ang Gilas Pilipinas women’s team subalit nangako ang team ng buong pusong laban kontra sa mga bigating koponan sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa Amman, Jordan simula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3.
Ayon kay coach at program director Pat Aquino, susulitin lang nila ang pambihirang pagkakataon na makabalik sa international stage matapos ang halos dalawang taong pahinga na walang pressure kahit pa kalaban ang kargadong Australia, China at Chinese Taipei sa Group B.
“I have no expectations for this tournament. I am just happy that my players have a chance to compete on the biggest stage again,” ani Aquino matapos dumating sa Jordan kahapon. “At the end of the day, the opportunity to even play basketball is more than we hoped for so we are just going to go out there and do our best.”
Noong 2019 pa huling sumabak ang Gilas Women’s sa 30th Southeast Asian Games na pinagwagian nito kaya’t sabik nang sumalang uli sa aksiyon kahit pa hindi biro ang magiging mga katunggali.
- Latest