^

PM Sports

Meralco puntirya ang twice-to-beat

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Meralco ang No. 2 spot sa eight-team quarterfinal round sa pagsagupa sa NLEX, habang target ng San Miguel ang No. 4 seat laban sa Alaska.

Sasagupain ng Bolts ang Road Warriors nga-yong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Beermen at Aces sa alas-6 ng gabi sa 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Tangan ang 7-2 record sa ilalim ng 10-1 baraha ng No. 1 team na TNT Tropang Giga, isang panalo lamang ang kailangan ng Meralco sa huli nilang dalawang laro sa elimination para sa twice-to-beat ticket.

May bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1 at 2 teams laban sa No. 8 at 7 squads, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals at maglalaban sa best-of-three series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at No. 5.

Kung matatalo ang Bolts sa Road Warriors at sa Ginebra Gin Kings bukas ay maaagaw ng Magnolia, may 8-3 kartada, ang No. 2 spot.

Ayaw naman ng NLEX na mahulog sa No. 7 kung saan kaila-ngan nilang talunin ang No. 2 team ng dalawang beses para makapasok sa best-of-seven semifinals.

“We are still hoping to avoid the twice-to-beat disadvantage,” ani Road Warriors coach Yeng Guiao. “Beating Meralco will give us the chance to make sixth place even if it is not totally under our control.”

Sa ikalawang laro, pipilitin ng San Miguel na makopo ang No. 4 seat sa pagharap sa Alaska na hangad namang buhayin ang kanilang tsansa sa quarters.

Para makapasok sa quarters ay kailangang talunin ng Aces ang Beermen at ang NorthPort bukas.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with