^

PM Sports

Biado emosyunal sa panalo niya sa US 9-ball Open

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi naiwasan ni Pinoy billiards champion Carlo Biado ang maging emosyunal nang pagha-rian ang katatapos lamang na US 9-Ball Open Championship noong Linggo sa Atlantic City, USA.

“Siguro dahil sa sobrang saya kaya ako napaluha at dahil sa pinagdadaanan natin ngayong pandemya hindi ko ine-expect na ganito ang kalalabasan ng pagkapanalo ko,” sabi ng 37-anyos na tubong Nueva Ecija na si Biado kahapon sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Isang come-from-behind 13-8 win ang kinuha ni Biado laban kay Aloysius Yapp ng Singapore sa final round para tapusin ang 27-taong pagkauhaw ng Pinas sa US 9-Ball crown.

Ang idol ni Biado, naging caddie sa Villamor Air Base golf course, na si billiards legend  Efren Reyes ang huling Pinoy na nagkampeon sa nasabing torneo noong 1994.

“Itong US Open na ito ay pangarap ko talagang makuha ito, matagal ko nang inaasam ito,” ani Biado.

vuukle comment

CARLO BIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with